5 SHORTS
"5 rugged monologues, incorporating human emotions with life's ironies. The film is a fresh and candid effort meditating on topics which other artists would never attempt to touch only because they sound too simple to catch the jurors' fancy, or to be blunt about it, worthless to be given attention to. The beauty of 5 SHORTS comes from the soul of the film, mixing humor and drama in a unique fashion, reminding watchers of prominent monologue-films like Spalding Gray's 'Swimming To Cambodia' and 'Monster In A Box'."
Elvert Banares, MANILA STANDARD
SCRIPT
1. Ayaw Kitang Makita
Alam mo
May sasabihin ako sa 'yo
AYAW KITANG MAKITA
Alam mo kung bakit
Kasi
PANGIT KA
BOBO
GAGO
TANGA
(Walang gamot sa tanga)
Wala
Ayaw lang kitang makita
Sawa na lang siguro ako sa mukha mo
Sa PAGMUMUKHA mong
A ewan
Hindi sa malabo ang mata ko ha
Nakabili na 'ko ng salamin oy
At hindi 'to madaling mabasag
Hindi tulad ng mukha mo
Kaya umalis ka na
Hindi mo ba 'ko narinig
AYAW KITANG MAKITA
AYAW
KITANG
MAKITA
ng apat kong mata
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
(Ang galing kong magbilang 'no)SCRAM
2. Mga Isda
Ang Mga Isda Sa Loob Ng Akwaryum
Lumalangoy lang sila.
'Yan na ang buhay nila.
Dumaraan ang gabi at umaga sa labas ng akwaryum.
Kumakain sila kapag may pagkaing nahuhulog mula sa kamay ng sinumang magkamaling pakainin sila.
Minsan, nauubos ang pagkain ng isda.
At hindi sila kakain ng isang araw, isang gabi, ilang araw, ilang linggo.
May mga namamatay. (S'yempre, isda lang sila.)
May makakapansin sa mga lumulutang na bangkay. At maaawa.
Sa Linggo, pagkagaling sa misa, bibili ng pagkain ng isda. Bibili rin ng isdang nasa loob ng plastik na may tubig, hangin, at halaman.
Ilalagay sa akwaryum, kasama ng mga isdang natira.
Lumalangoy lang sila.
Ang mga isda. Sa loob ng akwaryum.
Wala. Masarap lang pagmasdan. Pag walang magawa.
Nakakalibang. Pampahinga rin ng mata.
3. Ang Kambal
K1: Hi. Kilala mo pa ba 'ko? Well, matagal na rin, hindi kita masisisi, kung nakalimutan mo na. Ganyan naman talaga ang buhay: Isang paglimot. Pustahan tayo, nakalimutan mo na'ng kinain mo kaninang breakfast o...Well, hindi mahalaga 'yon. Pasensiya na kung paliguy-ligoy ako. Kaya nga pala ako narito. A basta. Naaalala mo pa ba non. Lagi tayong magkasama. Parang linta sa kapwa linta. Ikamamatay kung magkahiwalay. At nang magkahiwalay tayo, namatay nga ako. Well, okey lang 'yon. Best friend. Best bro. Best twin. (Siyempre, dalawa lang tayo e.) Matanong ko lang. Ba't mo nga ba 'ko tinulak. A hindi mo na maalala. Nag-uunahan tayo non. Papanik ng hagdan. 'Yung mauna sa tuktok, sa kanya 'yung nag-iisang ice candy sa frigidaire. Tapos, nauna ka. Ambilis mo. Lagi naman, di ba? Tapos, tinulak mo 'ko. Tapos, sumigaw ka, Mommy! Mommy! Well, naalala mo na siguro. Bakit mo nga pala 'ko pinatay, 'yun lang. 'Yun lang ang tanong ko. Nanalo ka naman. Well, kahit naman nanalo ko, kung ganon mo ba kagusto 'yung ice candy, e di sa 'yo na. Pero nagtataka ko sa 'yo, hindi mo kinain 'yung ice candy. Tinapon mo lang sa kanal. Walang nakinabang. Hindi mo man lang ibinigay sa aso. Well, desisyon mo 'yon. Ikaw ang nanalo. Hindi ko na problema 'yon di ba? Yun lang.
K2: Tom, ikaw ba talaga 'yan? Grabe. Magkamukha pa rin tayo. 10 years na, magkamukha pa rin tayo. Tom, hindi ko sinasadya. Ewan ko ba kung bakit e. Basta 'tinulak kita. Parang pagkatapos makarating sa itaas, yun ang next move. Itulak ka. Akala ko naman, hindi ka mahuhulog. Akala ko makakailag ka. Nang nahulog ka naman, akala ko hindi mababagok ang ulo mo. Akala ko hindi ka mamamatay. Biruin mo, bata pa tayo non. 10 years old. Kabebertdey lang natin, isang linggo. Virgo. Ang Kambal. Hindi kita gustong mamatay. Ikaw lang ang kaibigan ko. Ikaw lang ang kapatid ko. Kakambal. Sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry. Kasi ganon e. Kung gusto mo palit tayo. Ako 'yung namatay, pero hindi pwede e. Palusot ba. Sorry. Hindi ko talaga sinasadya.
4. Hindi Ako Makagalaw
Hindi ako makagalaw. Kangina pa 'ko rito. Kangina pa 'ko gising. Siguro lampas 'sang oras. Actually, nagagalaw ko 'yung mata 'ko. Pero nakakailang pikit na 'ko, pagdilat ko, gano'n pa rin, hindi pa rin ako makagalaw.
Kangina, nanaginip ako. Nasa EDSA 'ko, naghihintay ng bus na dadaan ng Kamias, sa ilalim ng flyover. Mga thirty minutes na 'kong naghihintay, wala pa rin. Nag-iisa na nga lang ako. Lahat ng kasabay ko, nakasakay na. Nang biglang may humintong sportscar na top down. Puro seksing chikabeybs. Ang sa-swanky. Sigaw sa 'kin. "Wanna hitch?" "A...sure." Sabay hop-in ako sa pulang kotseng hatid ng langit. Tapos, nasa pad na nila kami. Sabi nila, "Sandali lang ha. Just wait there." "A...sure." Naghintay ako sa loob ng isang kuwartong may nakabukas na isang bumbilyang naninilaw. Naghintay ako. Tapos, antagal na. Wala pa rin sila. Siguro, lampas 'sang araw na. Sinubukan kong lumabas, pero nakalock ang pinto. Tapos, may bumukas na TV sa isang sulok. 'Yung babaeng nagdadrayb, nasa screen. "So how are you? You know what. You can't get out of here anymore." What do you mean. "I mean you're stuck here." Ano'ng ibig mong sabihin. "'You'll know what I mean." Tapos, namatay 'yung TV. Tapos, andito na ulit ako sa kwarto 'ko. Panaginip lang pala. Buti na lang.
Telephone rings. "Hello. Good morning./Si Albert? Sino 'to?/Diane. Tulog pa siya e. Gusto mo gisingin ko./A hinde okey lang 'yon. Sandali lang ha."
Kukunin ang wireless. Io-on. Ibababa ang telepono. Pupunta sa kuwarto ni Al. Kakatok.
"Hay salamat may tao."
"Al, telephone. Si Diane."
"Pasok. Bukas 'yan."
Al telephone. Si Diane.
"Sabi nang pasok e. Bukas 'yan."
Bubuksan ang pinto.
"Pakitulak nga ako. Hindi ako makagalaw e."
Walang makikita. Aalis.
"Oy."
Pupunta sa ibang kuwarto. Makikita si A.
"Si Al nasaan."
"Ewan ko. Wala ba sa kwarto niya."
"Wala e."
"Baka sa music room."
Walang tao sa music room.
Babalik sa kusina. Kay D.
"Si Al alam mo kung nasaan."
"Wala ba sa itaas."
"Hindi ko makita e.
Hello. Diane. Pwedeng tumawag ka na lang mamaya.
O kaya, alam ba ni Al ang number mo.
OK.
Babay."
Last shot of white ceiling.
5. Ang Lalaking Hindi Ako Mapatawa
'Yan ang tatay ko. At ako ang sanggol na hawak-hawak ng magagaspang niyang kamay.
Pinapatawa niya na naman ako. Nagpapatawa na naman siya. Dati ganyan, mga walang saysay na tunog na feeling niya, nakakatawa. Hindi naman. Kung tutuusin, nakakasuya pa. Para bang nang-aasar. Ginagaya ka, hindi naman kaya. Nung natuto na 'kong magsalita, lagi siyang nagjo-joke. Anumang marinig niya sa kabarkada, kainuman, mapanood niya sa TV, sa Eat Bulaga, mabasa sa dyaryo, sa JOKE BOOK ni Gary Lising, marinig kay Kuya ELY sa AM, kahit anong feeling niya nakakatawa, irerelay niya sa 'kin. Ako naman, bato lang, dedma. Minsan ngingiti ako. Pero hanggang doon lang. Alam ko nung isang bertdey ko, nagsuot pa siya nang clown e. Kaso umiyak ako. Non-stop na hagulgol, ngawa. Kaya iyon, buti na lang, hindi na nasundan ang boyoyong.
'Yan ang tatay ko. At ako ang sanggol na hawak-hawak ng magagaspang niyang kamay.
Kamamatay niya lang nung Martes, October 10. Heart Attack. Biglaan. Pati si Mommy nabigla. May sinasabi raw na joke si Daddy sa kanya. Galing kay David Letterman. Madalas kasi siyang manood non e. Kaya napupuyat. Tapos 'yon. Tumigok. Kahit na nga nung naggraduate ako. Hindi pa rin kami nagtatawanan. Actually, siya lang. Hanggang sa mag-asawa 'ko. Buntis ngayon si Jane. Three months. Sayang hindi na sila magkakaabutan ng apo niya. At least, ligtas na ang anak ko sa mga pilit niya patawa. Lagi niya 'kong pinapatawa. Kahit sa telepono. Pero hindi talaga e. Alam mo 'yon parang langis at tubig lang talaga ang sense of humor namin. Laging nagpapatawa. Siguro gusto niya lang akong mapatawa. 'Yung totoong tawa. 'Yung tawang hindi mo mapigilan kahit gusto mo, kahit andami mong harang, andami mong pader. Tapos kahit sabihin niyang tama na, baka kabagin ka niyan. Tawa ka pa rin nang tawa. Siguro gusto niya lang akong mapasaya. Gusto niya lang Maging masaya ang buhay ko. Hindi tulad ng buhay niya. hindi tulad Nung bata siya. Maging masaya ako...Dad masaya naman ako e...Kasi...
'Yan ang tatay ko. At ako ang sanggol na hawak-hawak ng magagaspang niyang kamay.
The Man Who Couldn't Make Me Laugh
Close up, a man making faces, sounds.
Audio fade to: That's my father. Thirty years ago. I was what 8 months old. He's dead now. He passed away last week. Stroke. When I was twenty or something, I had these recurring dreams that he's dead and all. Sometimes, killed by a stranger, killed with my own hands, I sliced his neck with a blade. Sometimes, I don't even see his face, just a shadow, I just know it's him. Coz of his smell? Well, that's him. Even then, he was trying to make me laugh. Making sounds as if a new CD of sampled sounds. Making faces as if a cartoon character. I liked Bugs Bunny. My father never made me laugh. Not even a giggle. A smirk. Well, that's what they told me. I'm no Cleopatra's son; I can't remember things that early. Well, when I could, there was my father the clown, the joker, jester. Sometimes, he wore costumes. But only my friends laughed. Etcetera. It was a long story. A comedy where I didn't laugh. Where I couldn't laugh. You know, he was always making those funny faces. I remember...He always tried to make me laugh. Make me smile. Make me happy. Make a happy life. But you know.
Audio fade back to first one.



