THE OTHER RED
Khavn De La Cruz

NOTE 0: Matagal nang dapat lumabas tong article na to.
Supposedly e sa Inggles dahil hindi marunong mag-Filipino ang
major dailies. E hindi e. Kaya eto yung unang bahagi ng huntahan
namin ni Juan Pula aka Jon Red, ang Kuya ni Raymond Red.
Ginanap sa ikalawang palapag ng Big Sky Mind. Hindi ko na
maalala ang petsa.

UNANG BIRA NI JUAN PULA
KHAVN: Ano ba yung "S."?
JON: A hindi. Oo nga 'no. "ES" yung title. E-S.
K: A iba yon.
J: lunES, martES, miyerkulES...
K: A, akala ko tungkol sa shabu.
J: Tungkol sa ratrace...

ISANG LINGGONG TRABAHO: THE ES-STORY
Nagba-bike sya papuntang office. Basta "LUNES", nagba-bike siya. Paulit-ulit lang. Exercise, kape. Basically the same shots. Pag "MARTES", yung 5-second shot, nagiging 4-second shot na lang. "MIYERKULES", 3 seconds na lang. Finally, pak-pak. Basically ganon. Pag Friday night na, ganado na siya. So, hinihintay na lang nya yung Sabado. Every night kasama nun, nanonood sya ng Noli De Castro. Tapos nung last night na, kasi Friday, subtitles na yung sinasabi ni Noli. Sinasabi niya, dahil sa hirap at utang ng bansa, pinatupad ang bill ganyan sa Senado. Dadagdagan ang oras ng trabaho. At ang bill na wala nang Sabado at Linggo. After Friday, Monday ulet. So ang ending, nagbaril sya. Kinuha sya ng ambulansya. Shinut sa bahay. Yun ang una kong work

NOTE 1: Aside from winning the 1st Prize in the Experimental Video Category in the 2nd Gawad-CCP for Alternative Film & Video in 1988, "Es" won the special jury prize at the Mondiale Dela Video in Brussels, Belgium in 1991.

FROM "ES" TO "S"
When I did "Still Lives", sinet ko talaga sa mga actors na walang pera rito. Walang business involved dito, wala tayong perang babawiin, patapon ang pera, wala kayong aasahan dito. This is an experiment. Ang habol dito ay maikwento 'to, and to see what we can do. Ano ba ang nangyayari sa isang proyekto na pelikula kapag hindi mo iniisip ang pera? Totally ganoon. Kung komersyal man ito, we want to entertain. Yun na, at the most.

BAKA MAY TAONG GUSTONG MANOOD NON
In "Still Lives", napansin ko, para siyang Folk Art. Kumbaga, pwede siya rito. Pero I don't expect the same reaction abroad; kase, dialogue-heavy siya. Naka-subtitles, tapos hindi gumagalaw yung kamera. Pero that shouldn't stop you from making that kind of film. Kase pag hindi mo ginawa 'yon, walang ganong pelikula rito. Baka may taong gustong manood non.

ACCESS TO QUALITY
Sabi nga nila, the essence of digital is the Accessibility to Quality. Tumaas na yung quality, tapos mura pa siya. Yun ang pinaka-essence non. Noon pa naman may video e. Pero ano yung point ng digital? Maganda na yung quality niya. Basically ganon.

DIGITAL DEMOKRASI
Pero more than the technology, the hi-tech of digital, sa kin nga, is the accesibility. Ginawa mong democratic. Tapos, opportunity 'to for everybody. For filmmakers to make their project. For the audience to have a choice, what to see. Parang ganon. Para sa akin, yun ang mas importante.

DEHINS PO AKO PURISTA
So ang point, kung ano ang available sa yo, gamitin mo. Like a friend of mine, si Larry Manda, has 2 hours worth of short ends na 35mm. Hindi mo pwedeng sabihin na magdidigital ako kahit meron ako non. Pwede mong gamitin yon. Sayang yon e. So gamitin mo yon. Hindi sa akin question kung ano yung format. Ang mas concerned ako, ang pinaka-nilalabanan ko siguro, e yung tutunganga tayo. Kasi we're waiting for the big producer to sign the check, to produce our works. Yun ang pinakagusto kong pag-react-an. Na may mangyayari kahit hindi niyo pirmahan yung downpayment namin. Parang ganon. (Baka walang magdown-payment sa kin after this. :) Pero basically ganon. Kaya walang format.

THE RETURN OF THE LIVING VHS
Kumbaga after this digital work, gusto ko namang gumawa ng VHS shoot na inedit ko sa dalawang VHS machines. Tapos, that film will work kapag pinanood mo. At hindi nagma-matter yung drop-outs.

FILIPINAS CIRCA 1985
Ang best anecdote ko dyan yung when I was in the College sa Fine Arts. May nag-smuggle ng film na video. Inaya kami. May nagpasok sa college, bawal pa non e. Malapit nang mag-People-Power non, mga mid80s. Nagtago kami sa isang room, may pinanood kaming docu. Andon pa nga si Diokno, the old Diokno. Ang opening scene niya is a 3-minute interview, talking-head, ng isang ten-year old girl, na dialect pa ha, subtitled lang. Ang sama ng kopya, ang sama ng sound, andaming drop-outs. Kinukwento niya kung paano minasaker yung pamilya niya sa harap niya. So bad copy, bad sound, bad visuals. Pero yung 3-minutes na yon, tunganga kami. Ibig sabihin, it's not the format, it's not the medium. Kung ano yung pinapakita.

DELICIOUS!
Syempre masarap sa mata yung film. Pag naka-project. May materials na para dyan talaga.

KUNG PAANO MAG-TRIP SA KABLE
Ininterbyu kami ng Sky Cable kasi binili nila yung package ng short films. So may profile bawat program. Kunyari yung "Trip". Interesting yung ginagawa nila. Pero syempre, yung mga tanong nila, the usual tanong. Kumbaga, kung ano yung itatanong nila kay Marilou Diaz Abaya, ganun din ang itatanong nila. Kaya feeling ko, nagmukha kaming tanga lahat don. Sabi ko nga, baka mamaya pasasabihin niyo kami ng "Pinoy Blockbuster, Kayo ang bida!"

NOTE2: "Pinoy Blockbuster" has been changed to "Cinema 1", not because it was doing poorly (in fact, PB was the No. 1 cable
channel in the land). Pero dahil trip daw ng ABS-CBN na targetin
ang mga cono't conita. E pareho pa rin naman ang palabas.

REVOLUTION-IN-PROGRESS
Tingin ko, nasa stage ang digital ngayon na dapat i-maximize ang format. Kumbaga, go wild, no rules. Yung di natin nagagawa dati, eto na yung chance para gawin yon. You can think of the audience, and you may also neglect them. Ang point nga is walang rules. Pwede ring you make your own rules. You can't beat them in their own game e. So let's set our own rules. Tayo'ng mananalo rito. Tayo nag-set e. Tayo magbabantay ng scoreboard. Tapos wag tayong mailang magkamali. Ngayon is the time to make those mistakes. Kasama yon sa process. The whole thing is an exercise. Walang finished product. Pwedeng work-in-progress. The whole revolution is in progress. Basically ganon.

(End of Part 1)

Back to Top^^

Copyright © 2007 Filmless Films. All Rights Reserved.